Wednesday, October 12, 2011

Reproductive Health Bill: Ang magkakaiba at magkakatugmang pananaw


Ilang buwan nang sentro ng kontrobersiyal na talakayan ang Reproductive Health (RH) Bill. Ngayong nakasalang na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas, lalong umiigiting ang palitan ng mga pahayag ng mga pabor at kontra rito.
Ngunit ano nga ba ang mga pananaw na nasa likod ng mga pahayag ng iba’t ibang pulitiko, grupo, at personalidad? Sa kanilang pagsulong o pagpigil sa RH Bill, sino nga ba ang tunay na nagsisikap na makamit ng mga mamamayan ang tunay na reproductive health?
Inihanay ng Pinoy Weekly ang pangunahing mga konsepto sa debate sa RH Bill, at ang pananaw hinggil dito ng apat na puwersang nangunguna sa debate. Mahalagang maarmasan ang mga mambabasa ng kaalaman tungkol sa RH Bill, at sa pundamental na mga usaping tinatalakay dito gaya ng kalusugan ng bayan, karapatan ng kababaihan, at higit sa lahat, kahirapan–ang numero unong sakit panlipunan.

Gobyernong AquinoSimbahang Katoliko at mga grupong pro-lifeProgresibong kilusan ng kababaihanSocial democratsat iba pang grupong peminista
~Pabor sa pagbibigay ng karampatang impormasyon hinggil sa pagpaplano ng pamilya, gamit man ang natural o artipisyal na pamamaraan gaya ng mga kontraseptibo.
~Pinaghihinalaang hinahabol ang dayuhang ayuda at pagbubukas ng bansa bilang merkado para saimported na mga kontraseptibo. Nagpahayag na ng suporta ang United States Agency for International Development (USAID), European Union (EU) at World Bank sa RH Bill. Ang USAID ang nagsu-suplay sa gobyerno ng mga condomhanggang noong 2003. Pinaghihinalaang isa ang pagpasa sa RH Bill sa ipinangako ni Pangulong Aquino kapalit ng $434-Milyong ayuda ng Millenium Challenge Corporation ng gobyernong US. Inihayag din ng EU na magbibigay ito ng €35-M ayuda sa gobyerno para sa akses sa mga kontraseptibo.
~Maliban sa labag sa doktrina ng Simbahang Katoliko, ang mga kontraseptibo rin ay pinaniniwalaang nakakasama sa kalusugan ng kababaihan (nagdudulot umano ng cancer) at nagreresulta sa pagdami ng mga kaso ng abortion(dahil sa iresponsableng gamit ng kontraseptibo atcontraceptive failure).~Itinataguyod ang karapatan ng kababaihan na gumawa nginformed choice sa pagpaplano ng pamilya, kabilang na ang paggamit ng mga kontraseptibo.
~Naniniwala na sa pagtutulak ng gobyerno ng mga kontraseptibo bilang bahagi ng pagkontrol sa populasyon, hindi naisasaalang-alang ang kalusugan ng kababaihan, na gagawing “tagatanggap ng mga kontraseptibongdole-out ng mga mayayamang bansa at mga dayuhang kompanya, na kuwestiyunable ang pagiging ligtas.” Naisama ng Gabriela sa RH Bill ang probisyon na kailangang suriin muna ng DoH ang mga kontraseptibong pumapasok sa bansa, bago ipalaganap sa publiko.
~Ang mga kontraseptibo ay bahagi ng pagkakaroon ng “pinakamalawak na opsyon sa pagpaplano ng pamilya at kagyat na proteksiyon sasexually transmitted diseases,” ayon kay dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.
~Pinatatampok ang usapin ng mga kontraseptibo sa RH sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng condom sa publiko. Inuulan din nila ng kritisismo ang paniniwala ng Simbahang Katoliko na anti-life ang paggamit ng mga kontraseptibo, at nagsasagawa ng mga demonstrasyon sa tanggapan ng CBCP.
~Hindi kinukuwestiyon ang pagiging ligtas ng mga kontraseptibo. Halimbawa, naniniwala ang PLCPD na “lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin nang maayos.”
(http://pinoyweekly.org)


comment:


Sang-ayon ako sa RH Bill, dahil sa nakikita ko sa panahon ngayon lalong lumalaki ang ating populasyon. Maraming mga bata ang nasa kalye nagpapalimos para may makain, hindi ba kayo naaawa sa mga batang ito? Anak tayo ng anak, hindi naman natin sila kayang buhayin. 
Sa pamamagitan man lang ng Rh bill masusulusyonan natin ang problema ng populasyon. At masugpo na rin ang pagdami ng mga bata sa kalye na nakakaawang tingnan. At para na rin sa lahat na sanay hindi lang puro sarap ang dapat isipin nila, dapat isipin din nila ang magiging resulta.

Tuesday, October 26, 2010

How can I keep you, if somebody owns you.....,,,
  How can I go on your way, If somebody blocking my way.....
    How can I get you, if somebody holding you....
       How can you be my special someone......
  If there's someone special for you......

My Foolish Heart

   I've done a lot of thinking always because of you. I'm very happy when were together. Even though sometimes you act like you don't care.

   I don't know why I'm still hanging around. You always hurt my feelings and make me cry, every time I
remember that you belong to someone else because you chose to love her instead....

    I always want us to be together, but do you wish to be with me even once? How I'd wish you were mine to have you everyday, because I LOVE YOU .....dearly.....;)

Thursday, August 19, 2010

.....!!!"MY UNEXPECTED FEELINGS"!!!......

....................Oh!!!!!!.......................what is this???.................... 
   A strange feeling I never felt before. I wanna be with you every minute to see your sweet smile. The sweet smile that makes my day so bright and makes me inspired. To hear your deep voice. Deep voice that sounds like thunder. Thunder that has changed the beat of my heart, my dreams and my whole life. To touch your fine skin. The fine skin that make me aware of everything. The beauty of the whole world and the magical way of loving." I love you" but I guess you don't love me the way I do. "I like you" but you belong to someone else whom you like most..................
                           What should I do?...................
      Nothing...............but love you only in my dreams........ My dreams that I wish..........someday will come true!!!!!!!...........

Monday, August 16, 2010

"FORGET ME NOT"

I may now never be the person of your dreams or the apple of your eyes nor the one you would fall for. All i know is I will always be the one who will believe in your dreams, wipe the tears from your eyes and be there when you fall. Because I will always be the one who loves you that much.............