Wednesday, October 12, 2011

Reproductive Health Bill: Ang magkakaiba at magkakatugmang pananaw


Ilang buwan nang sentro ng kontrobersiyal na talakayan ang Reproductive Health (RH) Bill. Ngayong nakasalang na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas, lalong umiigiting ang palitan ng mga pahayag ng mga pabor at kontra rito.
Ngunit ano nga ba ang mga pananaw na nasa likod ng mga pahayag ng iba’t ibang pulitiko, grupo, at personalidad? Sa kanilang pagsulong o pagpigil sa RH Bill, sino nga ba ang tunay na nagsisikap na makamit ng mga mamamayan ang tunay na reproductive health?
Inihanay ng Pinoy Weekly ang pangunahing mga konsepto sa debate sa RH Bill, at ang pananaw hinggil dito ng apat na puwersang nangunguna sa debate. Mahalagang maarmasan ang mga mambabasa ng kaalaman tungkol sa RH Bill, at sa pundamental na mga usaping tinatalakay dito gaya ng kalusugan ng bayan, karapatan ng kababaihan, at higit sa lahat, kahirapan–ang numero unong sakit panlipunan.

Gobyernong AquinoSimbahang Katoliko at mga grupong pro-lifeProgresibong kilusan ng kababaihanSocial democratsat iba pang grupong peminista
~Pabor sa pagbibigay ng karampatang impormasyon hinggil sa pagpaplano ng pamilya, gamit man ang natural o artipisyal na pamamaraan gaya ng mga kontraseptibo.
~Pinaghihinalaang hinahabol ang dayuhang ayuda at pagbubukas ng bansa bilang merkado para saimported na mga kontraseptibo. Nagpahayag na ng suporta ang United States Agency for International Development (USAID), European Union (EU) at World Bank sa RH Bill. Ang USAID ang nagsu-suplay sa gobyerno ng mga condomhanggang noong 2003. Pinaghihinalaang isa ang pagpasa sa RH Bill sa ipinangako ni Pangulong Aquino kapalit ng $434-Milyong ayuda ng Millenium Challenge Corporation ng gobyernong US. Inihayag din ng EU na magbibigay ito ng €35-M ayuda sa gobyerno para sa akses sa mga kontraseptibo.
~Maliban sa labag sa doktrina ng Simbahang Katoliko, ang mga kontraseptibo rin ay pinaniniwalaang nakakasama sa kalusugan ng kababaihan (nagdudulot umano ng cancer) at nagreresulta sa pagdami ng mga kaso ng abortion(dahil sa iresponsableng gamit ng kontraseptibo atcontraceptive failure).~Itinataguyod ang karapatan ng kababaihan na gumawa nginformed choice sa pagpaplano ng pamilya, kabilang na ang paggamit ng mga kontraseptibo.
~Naniniwala na sa pagtutulak ng gobyerno ng mga kontraseptibo bilang bahagi ng pagkontrol sa populasyonhindi naisasaalang-alang ang kalusugan ng kababaihan, na gagawing “tagatanggap ng mga kontraseptibongdole-out ng mga mayayamang bansa at mga dayuhang kompanya, na kuwestiyunable ang pagiging ligtas.” Naisama ng Gabriela sa RH Bill ang probisyon na kailangang suriin muna ng DoH ang mga kontraseptibong pumapasok sa bansa, bago ipalaganap sa publiko.
~Ang mga kontraseptibo ay bahagi ng pagkakaroon ng “pinakamalawak na opsyon sa pagpaplano ng pamilya at kagyat na proteksiyon sasexually transmitted diseases,” ayon kay dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.
~Pinatatampok ang usapin ng mga kontraseptibo sa RH sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng condom sa publiko. Inuulan din nila ng kritisismo ang paniniwala ng Simbahang Katoliko na anti-life ang paggamit ng mga kontraseptibo, at nagsasagawa ng mga demonstrasyon sa tanggapan ng CBCP.
~Hindi kinukuwestiyon ang pagiging ligtas ng mga kontraseptibo. Halimbawa, naniniwala ang PLCPD na “lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin nang maayos.”
(http://pinoyweekly.org)


comment:


Sang-ayon ako sa RH Bill, dahil sa nakikita ko sa panahon ngayon lalong lumalaki ang ating populasyon. Maraming mga bata ang nasa kalye nagpapalimos para may makain, hindi ba kayo naaawa sa mga batang ito? Anak tayo ng anak, hindi naman natin sila kayang buhayin. 
Sa pamamagitan man lang ng Rh bill masusulusyonan natin ang problema ng populasyon. At masugpo na rin ang pagdami ng mga bata sa kalye na nakakaawang tingnan. At para na rin sa lahat na sanay hindi lang puro sarap ang dapat isipin nila, dapat isipin din nila ang magiging resulta.